Yaman
Yaman, tanging sa Lumikha lahat nanggaling
Dapat na ipamahagi ng pantay sa mga tao
Kayamanan ng bansa ay ari ng mamamayan
Salapi para ipambili ng kailangan ng mga tao
Pero bakit marami ang nagugutom sa mundo ?
Marami din ang nagtatapon ng mga pagkain
Itinapon ng mayaman na pinulot ng mahirap
Ito ba ang gustong mangyari ng Lumikha ?
May gobyerno para pamahalaan ang yaman
Subalit inaangkin dahil sa kasakiman ng ganid
Iilan lang ang mga bilyonaryo at milyonaryo
Multi milyon naman ang mga salat sa pagkain
Ano ba ang dapat ? Ipamahagi ang mga yaman
Trabaho at kabuhayan ay ibigay para sa lahat
Kulang ba sa kaisipan ang mga namamahala ?
O sadyang ganid at sakim lang sa kayamanan
Copyright © Ar Ni | Year Posted 2023
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment