Get Your Premium Membership

Masarap Ang Berdeng Bukong Bilog

Masarap ang berdeng bukong bilog, Kunin ang matalas na tabak; Mula sa bungang inihulog, Huwag uminom ng alak. Kunin ang matalas na tabak, Tanggalin ang makapal na buhok; Huwag uminom ng alak, Mag-ingat sa hawak na gulok. Tanggalin ang makapal na buhok, Tingnan ang lawa ng sabaw; Mag-ingat sa hawak na gulok, Inumin ang tubig na malinaw. Tingnan ang lawa ng sabaw, Lasapin ang malambot na laman; Inumin ang tubig na malinaw, Basain ang uhaw na lalamunan. Lasapin ang malambot na laman, Mula sa bungang inihulog, Basain ang uhaw na lalamunan, Masarap ang berdeng bukong bilog.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Radiant Verses: A Journey Through Inspiring Poetry